Pagmamaliit sa Kapwa

Isyung Walang Hanggan

                            
                   Ang pagmamaliit sa kapwa ay isyung panlipunan na aking napili. Ito'y isang masamang ugali na makikita natin 'di lang sa mga Pilipino kundi sa lahat ng tao. Ito'y aking napili dahil ito'y isyu na laganap pa rin sa ating lipunan sa kasalukuyan. Ang pagmamaliit ng gobyerno sa mga tao, ang hirap na dinadaanan ng mga mahihirap, at ang pag-aaway sa kapwa Pilipino. Ito'y tatlo lamang sa napakaraming pagmamaliit na nagaganap sa ating lipunan. Ito'y nakakabahala dahil ito'y isyu na matagal nang nararanasan ng mga naapi. Tulad ng pagmamaliit ng awtoridad sa sariling mamamayan. Ito'y nakita rin ng ating bayani na si Rizal at nais niya rin itong bigyan ng atensyon, Kaya naman ito'y isa isyu na kanyang ginamit sa kanyang pagsusulat, lalo na sa Noli Me Tangere.

                 Ang pagmamaliit sa kapwa ay dinadaan sa maraming paraan. Pang-aabuso, pang-iinsulto, pangtutukso at iba pang paraan na nakakasakit sa kapwa. Dahilan nito ay matinding galit, inggit at pangsariling interes. Makikita natin ito sa Noli Me Tangere sa mga hirap na dinaanan nina Sisa at kanyang mga anak. Ito'y isang sitwasyon na makikita parin natin sa ngayon. Ang pagmamaliit sa mga babae at ang pagtutukso sa mga may sakit sa pag-iisip. Isa rin sa gusto kong ilahad dito ay ang pagkakaroon ng crab mentality, o ang nais na makaangat kahit na makaapak ng iba. Para sa akin, ito ang pinakaugat ng pagmamaliit, ang pag-iisip na sila'y nakakaangat sa ibang tao at dahil dito ay kaya nilang gumawa ng nakakasakit ng ibang tao. Ito'y pag-iisip na makikita natin sa maraming Pilipino. At, itong pag-iisip ang nakakahadlanf sa pag-unlad ng ating bayan.

  
              Ang isyung pagmamaliit sa kapwa ay hindi bago. Ito'y isang isyu na napakatagal nang dinadaanan ng mga tao. Nung sinulat ni Rizal ang kanyang mga nobelo, nais nya itong bigyan ng atensyon sa lahat na henerasyon na dadaan. Ar bilang isang kabataan sa kasalukuyan, nais ko rin itong bigyan ng solusyon. Alam ko na ang pagkakaroon ng malasakit at paggalang ng kapwa bilang isang tao at mamamayan ay ang solusyon sa anumang pagmamaliit na nagaganap sa ating bansa
                         
                   

Comments

  1. May pwede po bang ikaso sa ganitong sitwasyon pagmamaliit sa kapwa.

    ReplyDelete

Post a Comment