Posts

Showing posts from March, 2020

Pagmamaliit sa Kapwa

Image
Isyung Walang Hanggan                                                 Ang pagmamaliit sa kapwa ay isyung panlipunan na aking napili. Ito'y isang masamang ugali na makikita natin 'di lang sa mga Pilipino kundi sa lahat ng tao. Ito'y aking napili dahil ito'y isyu na laganap pa rin sa ating lipunan sa kasalukuyan. Ang pagmamaliit ng gobyerno sa mga tao, ang hirap na dinadaanan ng mga mahihirap, at ang pag-aaway sa kapwa Pilipino. Ito'y tatlo lamang sa napakaraming pagmamaliit na nagaganap sa ating lipunan. Ito'y nakakabahala dahil ito'y isyu na matagal nang nararanasan ng mga naapi. Tulad ng pagmamaliit ng awtoridad sa sariling mamamayan. Ito'y nakita rin ng ating bayani na si Rizal at nais niya rin itong bigyan ng atensyon, Kaya naman ito'y isa isyu na kanyang ginamit sa kanyang pagsusulat, lalo na sa Noli Me Tangere.                  Ang pagmamaliit sa kapwa ay dinadaan sa maraming paraan. Pang-aabuso, pang-iinsulto, pangtutukso at iba pang